Jun-Jun: Inay! Ako lang ang nakasagot sa tanong ng titser namin kanina!
Inay: Very good! Ano ba ang tanong ng titser ninyo?
Jun-Jun: “Sino ang walang assignment?”
REPORTER: Sir, kung wala po kayong evidence, witness or suspect ano na po ang next step ninyo??
Police: DNA na…
REPORTER: Sir, ano po yung DNA ???
Police: “Di Namin Alam “
Man1: Away kami ni misis, nag-Historical siya
Man2: Pare baka ang ibig mo sabihin ay nag-Hysterical
Man1: Hinde, historical kasi inungkat lahat ng kasalanan ko!”
Boy1: Pare, alam mo ba tawag sa paniki na mababa ang lipad?
Boy2: hindi eh! ano ba pare?
Boy1: Lowbat pare! Lowbat!
Holduper: Pili ka, wallet mo o pasabugin utak mo?
Biktima: Ikaw na bahala..bastaa pareho po yan walang laman!
TEACHER: Anong similarity nina Jose Rizal, Andre s Bonifacio, Ninoy Aquino at Apolinario Mabini?
STUDENT: Ma’am, pagkaka-alam ko po, silang lahat ay pinanganak ng holiday! ?
Junjun: Pa, may multo daw sa kusina natin?
Papa: Anak, sino naman nagsabi sayo nyan?
Junjun: Si Mama po!
Papa: Ay nako, wag ka nga magpapaniwala dun! Wala namang multo eh!
Ang mabuti pa samahan mo na lang ako sa kusina, at iinom lang ako ng tubig…
BATA: Pabili nga po ng ubas…..
TINDERO: Wala kame ubas
KINABUKASAN ULIT??
BATA: Mama, pabili nga po ng ubas….
TINDERO: Sinabi na ngang wala e! Pag nagtanong ka pa, iistepler ko na yang bibig mo!
AT KINABUKASAN NA NAMAN ULIT??
BATA: Mama, may stapler kayo?
TINDERO: Wala..
BATA: Pabili nga po ng ubas
PROMDI: Lam ko promdi lang ako kaya wag mo kong lolokohin! Bakit ganito ang kwarto ko?!?! Maliit, wala pang kama at bintana….. ha?!?!
ROOMBOY: Sir, nasa elevator pa lang po tayo…